Sa umaga pag dilat ng mga mata, mukha mo ang gumigising sa akin. Babangon, kakain, maliligo, ikaw, nandyan, nakatingin. Dun mag uumpisa ang araw ko. Kasama ka sa bawat paghinga, mula almusal hanggang tanghalian mula tanghalian hanggang hapunan. Papauwi. Kasama kang umuwi. Papasok ng bahay, ikaw ang sasalubong. Hanggang magpahinga, nandyan ka. Hanggang sa pagtulo ng luha bago marating ang antok kaharap ko pa rin ang iyong mukha Tama na, matulog na tayo. Tinamaan ako ng antok, kaiisip sayo hanggang makatulog. Sa panaginip ay nariyan ka, kasakasama. Araw araw ganito. Araw araw paulit ulit. Araw araw kang kasakasama. Nakakaabala ka na. Bukas sana pag gising ko, wala ka na.
Notes
-
arrianism liked this
-
slsanchez said:
Ano ka, nireremake mo ang “Paano kung Paggising ko, Mahal pa rin Kita?” nina Ces Millado at Queng Reyles? :)) Hiihihihi <3
-
starlovingprincess liked this
-
kemenijaylongs posted this

