“Dahan dahan” ang sabi mo…… Pero sa pagsambit mo, tila nga nagbagal ang lahat ng nasa paligid ko. Tumigil ang oras. Tumigil ang panahon. Hindi naman ganito kahapon, pero ngayon Ganito. Umuulan. Walang tigil ang malakas na pag ulan. May kasamang hangin. Ramdam ko yung lamig ng paligid. Giniginaw ako. Ginaw na ginaw sa lamig. Parang ang tagal ng ulan, mas matagal pa sa normal na pag buhos nito. Parang isang buwan na walang tigil ang pag ulan, ganon kabagal. Sa sobrang bagal, inabutan na ng araw ang ulan. Naghalo ang init at lamig, masakit sa ulo. Kakaiba rin yung amoy nito. Parang magkakasakit ata ako. Hanggang kelan naman kaya magiging ganito? Sobrang tagal, naiinip na ako.
Notes

