Nabingi ako ng hindi mo masabi. Harap-harapan kung magtalikuran. Isang pagtatapos na kahit kailan hindi ko narinig, wala kang sinabi. Wala akong narinig. Nag umpisa, nagtapos. Wala kang sinabi. Walang hudyat na hanggang sa pagliko lang ang kayang ma-abot. Sana naghintay pa, kunsakaling magkasama. Hindi mo sinabi, dadaan ka pala. Sa pag harap mo pinutok ang bula para mawala. Dati’y tila mga bitwin sa kislap ng pagkakahumaling. Parang mga bula na biglang nawawala. Wala tong konsepto, wala tong kahit na ano. Wala rin gustong sabihin. Gusto ko lang talaga magsulat, sakaling marinig mo.
Notes

