Ang pag uusap na nagtapos sa “wala”.

Tauahan:

Nagmamahal

Minamahal

Hahalikan ng Nagmamahal ang Minamahal, aatras ang Minamahal.

Minamahal: I only kiss someone na mahal ko.

Nagmamahal: Ako rin naman e.

Tahimik.

Nagmamahal: Nabitin ako.

Minamahal(matatawa)

Nagmamahal: Simula umpisa, bitin na bitin ako. Wala akong naabot pero naging masaya naman ako.

Tahimik.

Nagmamahal: Ano na? Buhay ka pa ba?

Minamahal: Ano na nga ba? Hmm. Masaya naman ako ah.

Nagmamahal: Ewan ko sayo. Hindi ko na din alam.

Maiinis ang Nagmamahal.

Minamahal: Ano bang ginawa ko sayo?

Nagmamahal: Wala naman. Masakit lang siguro.

Minamahal: Wala nga akong ginagawa sayo eh. Effortless.

Nagmamahal: Yun na nga eh, wala ka na ngang ginagawa, nasasaktan pa rin ako.

03:35 am, by kemenijaylongs